Sagot :
Answer:
Ama naming nasa langit bigyan mo Po kami Ng lakas at sapat na katalinuhan nang magampanan Po namin Ang aming Mga tungkulin at pananagutan sa aming Mga pamilya at sa aming kapwa, Tulungan mo Po kaming magpasya Ng maayos sa aming Mga desisyon Ng naaayon sa iyong kalooban alang alang sa ikabubuti Ng marami. Ito Po Ang aking taimtim na dalangin, Amen.
sana po makatulong
Explanation:
Answer:
PANALANGIN PARA SA MGA MAY SAKIT
O makapangyarihan at mapagkalingang Ama,
Kaming mga dumaranas ng mga karamdaman
Ay dumudulog sa Iyong kalooban
Sapagkat Ikaw ang taga-aliw ng mga nagdadalamhati,
At kalusugan ng mga maysakit.
Lubos kaming nagtitiwala sa Iyo
Dahil sa mga mahimalang pagpapagaling mula sa 'Yo.
Taglay ang maalab na pananampalataya at pamimintuho,
Kami’y buong kababaang-loob na sumasamo sa Iyo,
Para sa aming mga kapatid na may karamdaman:
(banggitin ang pangalan at intensyon)
Yamang tunay na marami ang gumaling,
Dahil sa pananampalataya sa Iyo,
Mangyaring gumawa Ka ng isa,
At iligtas itong mga mahal namin sa buhay!
Ilayo Mo sila sa panganib
At ibangon sa banig ng karamdaman,
Upang sila’y makabalik sa paglilingkod
Kay Jesukristo na Iyong Anak at aming Panginoon,
Na nabubuhay at naghahari magpakailanman!
Amen
Mahal na Birhen ng Lourdes,
Ipanalangin mo kami.
Taga-aliw ng Nagdadalamhati,
Ipanalangin mo kami.
Kalusugan ng mga Maysakit,
Ipanalangin mo kami.