Sagot :
Answer:
Ang denotatibong mga salita ay ang literal na kahulugan nito at makikita sa diksyonaryo.
Samantala, ang konotatibo naman ay salitang may patago na kahulugan. Heto ang mga halimbawa:
Ahas
Apoy
Haligi
Larawan
Leon
Putik
Bato
Mahangin
Malalim
Makitid
Salita Denotatibo Konotatibo
AHAS Isang uri ng hayop na walang paa at gumagapang Taong binigyan mo ng tiwala ngunit ika’y trinaidor.
APOY Isang elementong mainit at ginagamit upang mag luto o sa industriya Naglalarawan sa matinding damdamin tungo sa isang tao, bagay, o pangyayari.
HALIGI Ito ang tinatawag nag sisilbing pundasyon ng mga bahay at gusali Naglalarawan ito sa mga Ama ng tahanan.
Larawan
Ito ay isang litrato na kinuha o ginuhit ng isang tao Tumutukoy sa katangian ng isang tao.
Leon
Isang hayop na makikita sa kagubatan, malakas at malaki. Ito ay naglalarawan sa taong matapang at walang inuurungan.
Putik
Marumi at basang lupa na iniiwasan ng mga taong may puting sapatos Mga mahihirap at naghihikahos sa buhay. Sila rin ay tinawatawag na hampas lupa
Bato
Isang natural na bagay na makikita kahit saan. Naglalarawan sa mga taong may matitigas na damdamin.
Mahangin
Ito ay sitwasyon kung saan malakas ang ihip ng hangin Tawag sa taong mayabang at malaki ang ulo.
Malalim
Tumutukoy sa kung ano ka lalim ang isang bagay Ito ay naglararawan sa taong maraming iniisip tungkol sa mga problema ng lipunan
Makitid Naglalarwan sa isang masikip na daanan o espasyo Ito ang tawag sa taong hindi “open minded”. Sila rin ang mga taong madaling mang husga.