Ang pagpipinta ay ang kasanayan ng pagpapahid ng pintura, pigmento, kulay o iba pang gamit pangguhit sa isang pang-ibabaw. Ang produkto na pagpipinta ay tinatawag na pinta. Ang gamit pangguhit ay kadalasang inilalagay sa base gamit ang isang brush, ngunit ang iba pang kagamitan tulad ng mga kutsilyo, spongha at airbrushes, ay maaari ding gamitin.