Answer:
Ang komisyong schurman ,kilala rin sa tawag na First Philippine Commission,ang unang komisyong Amerikano na ipinadala sa PIlipinas.Sila ay dumating noong 1899.Pinamumunuan ito ni Jacob Schurman.Kasapi ng komisyon sina; Admiral Dewey at Heneral Otis.
Layunin ng komisyong ito na siyasatin at alamin ang kalagayan ng Pilipinas upang maging batayan ng mga planong pagbabago na gagawin ng United States.Hangad din ng komisyong ito na ipaalam sa mga Pilipino ang layunin ng United States na tulungan ang Pilipinas na magtatag ng isang pamahalaan.Nais din nito na maging maayos ang ugnayan ng mga Amerikano at mga Pilipino dahil malaki ang maitutulong nila sa paglaganap ng kanilang kapangyarihan sa Asia.
Explanation:
hope it helps :)