Basahin at unawaing mabuti ang bawat panungusap at isulat ang titik: H. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Heograpiya,

E kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Ekonomiya,

L. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Lipunan; P. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Pulitika at Ed. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Edukasyon

SA. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sining at Arkitektura

WP. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Wika at Panitikan

1. Sa loob ng mahabang panahon ang Tsina ang itinuring na isa sa pinakamalaking bansa sa daigdig na may impluwensyang umabot sa Dagat Tsina, Gitnang Asya, Vietnam, Korea at bansang Hapon.

2. Ang pamilyang Asyano ay mabilis na lumalaki dahil sa pagbibigay halaga sa angkan na nagpapakita ng paggalang at pagkakaisa sa bawat kasmpi nito.

3. Sa bawat pang-angat ng isang imperyo o dinastiya ay kasabay ang pagsikat ng isang matatag at matapang na pinunong handang magpatupad ng mga pagbabago sa pamamahala,

4. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Asyano.

5. Dinastiya ang uri ng pamahalaang umiral sa Tsina sa mahabang panahon.

6. Ang pag-unlad ng agrikultura ay nagbigay daan para sa pakikipagkalakan.

7. Ang magagandang templo ay patunay ng pagiging malikhain ng mga Asyano

8. Ang pamilya ay karaniwang binubuo ng magulang at mga anak na pinagbigkis ng pagkakaisa, paggalang at pagkakaunawaan.

9. Ang mga magulang ang siyang naging unang guro ng kanilang mga anak maging noong unang panahon.

10. Ang mga tulang isinulat ni Li Po ay kadalasan tungkol sa pag-ibig.

Pa answer po para ma brainiest ​