Sagot :
Ako Po’y Pitong Taong Gulang
Narito ang Tagpuan at mga Pangyayari sa “Ako Po’y Pitong Taong Gulang”.
Tagpuan
- Isla ng Caribbean- kung saan nakatira ang batang si Amelia.
- Balon- ang lugar kung saan nag-iigib si Amelia ng tubig para sa kanyang mga amo.
- Tahanan-ito ang bahay ng mga taong pinagsisilbihan ni Amelia
- Paaralan- kung saan hinahatid ni Amelia ang anak ng kanyang mga amo. Isang batang lalaki na limang taong gulang.
Mga Pangyayari sa kwento.
Unang Pangyayari
Ang pagsasagawa ni Amelia ng kanyang mga gawain para sa pamilyang kanyang pinaglilingkuran. Ang pag-iigib ng tubig mula sa balon. Isang napakahirap na gawain para sa kanyang murang edad. At ang paghahanda ng pagkain para sa mga amo. Ang pagmamalupit at pagbibigay ng parusa kung si Amelia ay mahuli ng oras sa paghahanda ng almusal.
Pangalawang Pangyayari
Ang napakaraming gawain ni Amelia sa tahanan na kanyang pinaglilingkuran kasama na doon ang paghuhugas ng paa ng kanyang among babae. Ang panankit nito sa kanya dahil ito ay galit na galit.
Pangatlong Pangyayari
Ang pagpapakain ng kanyang mga amo ng mga tirang pagkain sa kanya. Ang hindi pagpayag ng mga ito sa paggamit niya ng tubig na kanyang iniigib at ang pagpapatulog ng mga ito sa kanya sa labas ng tahanan. Ang higit sa lahat ang hindi pagpaaphintulot ng kanyang mga amo na siya ay makapag aral.
I-Click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
https://brainly.ph/question/427227
https://brainly.ph/question/461934
https://brainly.ph/question/427227