Para sa akin, ang sagot ay OO, sa kadahilanang ang haiku at tanka ay parehas na sumasalamin sa kultura na mayroon ang Japan. Ang mga hapones ay kilala sa pagiging konserbatibo at minimalist, at ito ay makikita sa kanilang kilos at maging sa literatura.
Kung titingnan din natin ang kasaysayan, masasabing ito ay naging malaking salik sa pagbuo ng tanka at haiku. Dahil sa kakulangan ng mga papel ilang dekada na ang nakararaan, gumawa ng paraan ang mga hapones na sumulat ng mga tula na kung saan napagsasama ng mga hapones ang mga ideya at imahe sa iisang tula o akda lamang.
Para sa karagdagang kaalaman:
#BetterWithBrainly