Sagot :
Pagngngalang Kongkreto o Tahas
Ito ay pangngalang ginagamitan ng pandama upang matukoy. Maaring ito ay nahahawakan, nanamoy, nakikita,nabibilang, at nalalasahan . Tinatawag din itong tahas.
- Halimbawa: mangga, plato, sapatos, papel, aso
Halimbawa ng konkretong pangngalan gamit sa pangungusap.
- Masarap kumain ng prutas na mangga lalo’t kung hinog.
- May anim na ibon na lumipad sa puno.
- Mainit ang singaw ng kalan dahil sa apoy.
- Isinuot ni ate ang kanyang magandang sapatos.
- Kumahol ang aso sa loob ng bakuran
- Malamig ang tubig sa pitsel.
Pangngalang Basal o Di Kongreto
Ang pangngalang ito ay di materyal. Ito ay isang ideya, kaisipan, o damdamin. Tinatawag din itong basal.
Halimbawa: pag-ibig, katapangan, kaginhawaan, dedikasyon, kinabukasan, enerhiya, katapatan, buhay, tiwala
Halimbawa ng Di-Kongkreto gamit sa pangungusap
- Halata sa mukha ng lalaki ang katapangan ng hindi ito umiyak sa turok.
- Napakasipag ng tatay ni Ada dahil ang gabi ay ginagawa niyang araw at ang umaga ay gabi.
- Napakalakas bumuhat ng lalaki dahil kinaya niya ang isang sako ng bigas .
- Tinakbo niya nang matulin ang labas ng kalsada para madaling makarating.
- Inalalayan niya ng kanyang pag-ibig ang sinisintang babae.
- Sumigaw ng malakas ang bata dahil sa sakit.
- Nagtiwala ng walang pag-aalinlangan ang ina sa nag-alaga ng bata kahit hindi kakilala.
Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang link:
ano ang konkreto at di- konkreto https://brainly.ph/question/56016
https://brainly.ph/question/113387
#BetterWithBrainly