ano ang ibig sabihin ng lantay,pahambing ay pasukdol

Sagot :

Ang lantay ay naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip.
  
   Halimbawa:
 
      · Ako ay maliit.

Ang pahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pang-uring pahambing:
 
   Pahambing na pasaholPalamang - ito ay nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasino, at iba pa.
 
      Halimbawa:
 
         · Mas maliit si Tey kaysa sa akin.
 
    Pahambing na Patulad - ito ay nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho.
 
   Halimbawa:
 
      · Si Tey at Fey ay magsingliit.

Ang pasukdol ay nagpapakita ng pinakamatinding katangian sa paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip.
 
   Halimbawa:
 
      · Ako ang pinakamaliit sa kanilang lahat.

--

--Have a buoyant Saturday--