magbigay ng 5 halimbawa ng kaganapan ng tagaganap

Sagot :

Kaganapan  ng Pandiwa:

Kaganapang Tagaganap:

Mga Sagot:

  1. Ikinatuwa ng mga mag – aaral ang mga matataas na markang ibinigay ng kanilang guro sa Matematika.
  2. Kinakain ni Melchor ang sandwhich na gawa ng kanyang nobya.
  3. Ikinagulat ni Alan ang pagdating ng kanyang mga magulang mula sa probinsya.
  4. Nilalabhan ni Aling Loleng ang mga damit nina Gng. Ramirez upang may ipandagdag sa kanilang panggastos.
  5. Kinukumpuni ni Mang Nardo ang kanilang bahay para sa paghahanda sa tag – ulan.

Paliwanag:

Sa pangungusap na Ikinatuwa ng mga mag – aaral ang mga matataas na markang ibinigay ng kanilang guro sa Matematika, ang kaganapang tagaganap ay ang mga mag – aaral.

Sa pangungusap na Kinakain ni Melchor ang sandwich na gawa ng kanyang nobya, ang kaganapang tagaganap ay si Melcor.

Sa pangungusap na Ikinagulat ni Alan ang pagdating ng kanyang mga magulang mula sa probinsya, ang kaganapang tagaganap ay si Alan.

Sa pangungusap na Nilalabhan ni Aling Loleng ang mga damit nina Gng. Ramirez upang may ipandagdag sa kanilang panggastos, ang kaganapang tagaganap ay si Aling Loleng.

Sa pangungusap na Kinukumpuni ni Mang Nardo ang kanilang bahay para sa paghahanda sa tag – ulan, ang kaganapang tagaganap ay si Mang Nardo.

Kaganapang Tagaganap:

Ang kaganapang tagaganap ay tumutukoy sa bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Makikilala ito sa pamamagitan ng mga panandang ni at ng.

Kahulugan ng Kaganapang Tagaganap: https://brainly.ph/question/537192

Iba Pang Kaganapan ng Pandiwa:

  • layon
  • tagatanggap
  • ganapan
  • kagamitan
  • direksyunal
  • sanhi

Ang kaganapang layon ay tumutukoy sa bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagayna tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit din dito ang panandang ng.

Halimbawa:

  1. Si Alexa ay bibili ng sapatos sa mall.
  2. Nagpamahagi sila ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Ang kaganapang tagatanggap ay tumutukoy sa bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang makikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay kadalasang ginagamitan ng mga panandang para sa at para kay.

Halimbawa:

  1. Nagbigay ng allowance ang pamahalaan sa mga pamilyang miyembro ng 4p’s.
  2. Nagtapos siya ng abogasya para matulungan ang ama sa kanyang kaso.

Ang kaganapang ganapan ay tumutukoy sa bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar o pook na pinangyarihan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:

  1. Nagtungo kami sa silid – aklatan ng paaralan upang doon idaos ang patimpalak sa pagsulat ng slogan para sa buwan ng wika.
  2. Pupunta kami sa libingan ni lolo sa Norte sa susunod na Sabado.

Ang kaganapang kagamitan ay tumutukoy sa bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:

  1. Iginuhit niya ang larawan ni Mother Theresa gamit ang pinulbos na uling.
  2. Itinayo niya ang paaralan gamit ang naipong pera mula sa kanyang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Ang kaganapang direksyunal ay tumutukoy sa bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyon na isinasaad ng kilos na ipinahihiwatig ng pandiwa.

Halimbawa:

  1. Nanood sila ng pelikula sa bahay ni Marlon buong maghapon.
  2. Nagpulong ang mga guro sa conference room para sa magiging takbo ng palatuntunan sa Lunes.

Ang kaganapang sanhi ay tumutukoy sa bahagi ng panaguri na nagpapahiwatig ng dahilan sa pagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:

  1. Nakapagtapos siya ng pag – aaral dahil sa abilidad niya at sipag.
  2. Naibigan siya ng marami dahil sa kanyang kabutihang loob.

Kaganapan ng Pandiwa: https://brainly.ph/question/761880

Halimbawa ng Kaganapan ng Pandiwa: https://brainly.ph/question/692325