Ang "metapora" ay tiyakan o tuwirang paghahambing. Hindi na ito gumagamit ng mga salitang (tulad, wangis, tila, parang at iba pa). Samantalang ang "simili" ay di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang (tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim at iba pa.)