pangunahing produktong pang-agrikultura sa central luzon

Sagot :

Maraming mga produktong pang-agrikultura ang itinatanim sa Central Luzon, ngunit mayroon itong pangunahing produktong pang-agrikultura. Ang pangunahing produktong pang-agrikultura sa Central Luzon ay palay o bigas. Sa katunayan, ang Central Luzon o Gitnang Luzon ay ang tinaguriang "Rice Granary of the Philippines" dahil ang sangkatlo ng kabuuang produksyon ng bigas sa Pilipinas ay mula sa rehiyong ito.

Pangunahing Produktong Pang-agrikultura sa Central Luzon

  • Ang pangunahing produktong pang-agrikultura sa Central Luzon ay palay o bigas.
  • Dahil sa produktong ito, ang Central Luzon ay tinagurian "Rice Granary of the Philippines" .
  • Sa katunayan, ang sangkatlo ng kabuuang produksyon ng bigas sa Pilipinas ay mula sa Central Luzon.

Iba pang mga Produktong Pang-agrikultura sa Central Luzon

Bukod sa palay o bigas, marami pang produktong pang-agrikultura ang Central Luzon. Narito ang ilang mga halimbawa:

  • tubo
  • mangga
  • saging
  • mais
  • patatas
  • at iba pa

Detalye ukol sa Central Luzon

  • Ang Central Luzon ay nasa gitna ng Hilagang Luzon at Maynila.
  • Ito ay may pitong probinsya: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Iyan ang mga detalye tungkol sa pangunahing produktong pang-agrikultura sa Central Luzon. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:

Iba pang mga produkto ng Gitnang Luzon: https://brainly.ph/question/429498, https://brainly.ph/question/768104 at https://brainly.ph/question/2340043