Sagot :
Ang pinsan ni Dr. Jose Rizal na naging nobya niya ay si Leonor Rivera.
Si Leonor ang sinasabing inspirasyon ng tauhang si Maria Clara sa Noli Me Tangere na isinulat ni Rizal. Unang nagkita ang dalawa sa Maynila noong 14 taong gulang pa lang si Leonor Rivera. Noong nagtungo si Rizal sa Europa noong 1882 dito nagsimula ang kanilang pagtatalastasan dahil sa iniwang tula ni Rizal para kay Rivera na namamaalam. Naging tutol ang ina ni Rivera sa relasyon ng dalawa. Inisip ng ina ni Rivera na hindi magiging maganda ang buhay ng anak niya kay Rizal lalo na noong panahong tinutugis na siya ng mga Kastila. Sa bandang huli, nakasal si Leonor kay Henry Kipping, isang inhinyero ng Manila-Dagupan Railway. Si Rizal naman ay nagkaroon ng ibang pag-ibig bago tuluyang naaresto at pinapatay sa Bagumbayan ng mga Kastila.
Sino si Jose Rizal?
Si Jose Rizal ay isang Pilipinong bayani. Siya ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba Laguna. Ang kanyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda. Ikapito siya sa labing-isang magkakapatid. Ang mga magulang niya sina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonzo Realonda. Isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli Me Tangere, at ang kasunod nitong El filibusterismo. Poliglota din si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang wika
Kahulugan ng bawat bahagi ng pangalan ni Jose Rizal
Jose- ipinangalan sa kanya ng kanyang ina bilang pagpupugay sa patron na si San Jose.
Protacio- ang pangalan ng patron sa kalendaryo kung saan natapat ang pista ni San Protacio sa kaarawan ni Jose (ika-19 ng Hunyo).
Rizal- hango sa espanol na salita na Recial na ibig sabihin ay luntiang bukirin. Ito rin ay bilang pagsunod sa Claveria Decree na ipinatupad ni Gobernador Heneral Narciso Claveria, kung saan ang bawat pamilyang Pilipino ay pipili ng apelyido base sa listahang naaayon sa wikang Espanyol.
Mercado- tunay na apelyido ng kaniyang ama. Hango sa espanol na salita na mercado na ang ibig sabihin ay palengke.
Alonzo- ang unang apilyedo ni Dona Teodora Alonzo Realonda.
Y - (at)
Realonda- ang kinuhang bagong apilyedo ni Dona Teodora noong ipinatupad ang utos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na papalitang lahat ng apilyedo at ang kinuha niya ay ang pangalan ng kanyang ninang na Realonda.
Pagpatay kay Jose Rizal
Pinatay si Jose Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896 sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.
- Isang hanay ng mga Pilipinong kasapi ng Hukbong Kastila ang bumaril kay Rizal. Samantalang may isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng Hukbong Kastila ang nakahanda upang barilin ang sinuman sa kanila na susuway.
- Ayaw ni Rizal na barilin siya nang nakatalikod kagaya ng isang traydor, ngunit hindi pinayagan ang kanyang hiling na barilin na nakaharap sa firing squad. Sa oras ng eksekyusyon, nang marinig ni Rizal ang mga putok, ay ipinihit niya ang kanyang katawan. Bumagsak siyang patihaya, paharap sa sumisikat na araw sa umagang iyon ng Disyembre, kagaya ng isang kagalang-galang na tao na dapat na pagkilala sa kanya.
- Ang kaniyang huling salita ay isa sa mga huling salita ni Jesu Cristo: "Consummatum est"—natapos na.
- Pinaniniwalaan na si Rizal ang unang rebolusyonaryong Pilipino na namatay dahil sa kaniyang mga gawa bilang manunulat, at dahil sa kaniyang sibil na pagsuway ay matagumpay niyang natibag ang moral na pamumuno ng Espanya.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Mga prinsipyong kinilala at ipinaglaban ni jose rizal: brainly.ph/question/2425427
#LetsStudy