20 halimbawa ng mga denotatibo at konotatibong salita?

Sagot :

Denonatibo at Kononatibo:

Ang denonatibo ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng isang salita samantalang ang kononatibo ay ang pahiwatig o simbolo na ikinakabit sa salitang ito. Habang ang lahat ng mga salita ay may denonatibong kahulugan, ang kononatibong kahulugan naman ay naayon sa kung paano ito nauunawaan ng mga tao.

20 halimbawa ng mga denotatibo at konotatibong salita:

  1. ahas
  2. apoy
  3. bituin
  4. bola
  5. bulaklak
  6. bunga
  7. dilim
  8. haligi
  9. ilaw
  10. itim
  11. krus
  12. larawan
  13. leon  
  14. palad
  15. palamuti
  16. puno
  17. puso
  18. puti
  19. putik
  20. rosas

ahas: denotatibo - uri ng reptilya

        konotatibo - traydor

apoy: denotatibo - ningas

         konotatibo - galit

bituin: denotatibo - bahaging nagbibigay liwanag sa kalangitan

          konotatibo - artista o bida sa mga palabas

bola: denotatibo - laruang hugis bilog

        konotatibo - matatamis na pananalita

bulaklak: denotatibo - bahagi ng halaman

              konotatibo - kababaihan

bunga: denotatibo - bahagi ng puno

           konotatibo - resulta

dilim: denotatibo - gabi

        konotatibo - kasamaan

haligi: denotatibo - poste ng bahay o gusali

         konotatibo - ama ng tahanan

ilaw: denotatibo - liwanag

       konotatibo - ina ng tahanan

itim: denotatibo - uri ng kulay

       konotatibo - masama

krus: denotatibo - simbolo ng relihiyon

        konotatibo - pasanin o problema

larawan: denotatibo - litrato

             konotatibo - katangian

leon: denotatibo - uri ng hayop na kapamilya ng pusa

        konotatibo - mabangis

palad: denotatibo - bahagi ng kamay

         konotatibo - swerte

palamuti: denotatibo - dekorasyon

              konotatibo - ganda

puno: denotatibo - malaking uri ng halaman

         konotatibo - angkan o magulang

puso: denotatibo - bahagi ng katawan

        konotatibo - pagmamahal

puti: denotatibo - uri ng kulay

       konotatibo - busilak o dalisay

putik: denotatibo - uri ng lupa

         konotatibo - mga mahihirap o hamas - lupa

rosas: denotatibo - uri ng bulaklak

         konotatibo - kagandahan

Upang lubos na maunawaan ang denotatibo at kononatibong salita, basahin ang mga sumusunod na links:

https://brainly.ph/question/218262

https://brainly.ph/question/221970

https://brainly.ph/question/1539548