Paano mo maiiwasan maging biktima ng mga taong mapagkunwari o manloloko?

Sagot :

Laganap na, hindi lamang sa ating bansa kundi pati sa buong mundo ang problema ukol sa pagiging biktima ng mga mga mapagkunwari o manloloko. Isang halimbawa nito ay ang "business scam". Marami na ang naging biktima rito . Upang maiwasan na maging biktima ng mga taong manloloko, narito ang ilang bagay na dapat isaalay alay na maaring makatulong:

1. Maging matalino- kilatising mabuti ang taong kausap . Ito man ay personal o may kaugnayan sa negosyo, mas nakabubuting wag madaling magtiwala.
 
2.Huwag magpadala sa mga mabubulaklak na salita ng taong kausap o nakakasalamuha. Kadalasan ay ito ang nagiging rason na naguuwi sa pagiging biktima.
 
3. Huwag mabilis na ipagkatiwala ang mga importanteng bagay.

4. Kung halimbawa man na ikaw ay nabiktima , ipagbigay alam kaagad sa kinauukulan upang nang sa gayon ay mabilis maaksyunan .