Sagot :
Answer:
Kaibahan ng Muslim at ng Kristiyano
Malaki ang pagkakaiba sa paniniwala ng mga Muslim at ng mga Kristiyano. Narito ang ilang pagkakaiba nila:
(1)
Ang mga Muslim ay naniniwala na isiniwalat ng Panginoon ang koran kay Mohammad. Naniniwala ang mga Muslim na si Mohammad ang huling propeta at ang Koran ay ang mga salita at gawa niya na siyang pinagmulan ng Islam.
Ang mga Kristiyano naman ay naniniwala na sa Panginoon nagmula ang lahat ng bagay sa mundo. Naniniwala ang Kristiyano kay Hesus na isinugo ng Panginoon upang iligtas ang mga tao sa kasalanan. Ang mga disipulo naman ni Hesus ang gumawa ng Bibliya batay sa mga pangaral ni Hesus at ito ang pinagmulan ng relihiyong Katoliko.
(2)
Ang mga Kristiyano ay naniniwala na si Adam ay nagkasala sa pagsuway sa Panginoon at ito ang dahilan ng pagkakaroon ng tao ng original sin sa pagkakasilang pa lamang.
Naniniwala naman ang mga Muslim na si Adam ay walang sala at ang iba ay naniniwala pa na siya ay isang propeta. Hindi din naniniwala ang Muslim na may kasalanan ang tao pagkasilang pa lamang nito. Naniniwala sila na bawat isa ay ipinanganak na walang sala at responsible ang tao na panatilihin ito habang nabubuhay.
(3)
Ang mga Kristiyano rin ay naniniwala na kapag ang tao ay namatay, siya ay agad pagpapasiyahan at mapupunta sa purgatoryo.
Ang mga Muslim naman ay naniniwala sa barzakh. Ang barzakh ay tumutukoy sa pansamantalang kabilang buhay na pareho sa purgatoryo kung saan ang mga ispiritu ay kailangan maghintay sa "Judgement Day".
(4)
Ang mga Kristiyano ay naniniwala na ang Panginoon ay kawangis ng tao.
Para naman sa mga Muslim ang Panginoon ay kakaiba. Hindi sila naniniwala na itsurang tao siya. Para sa mga Muslim, ang Panginoon ay may dalawang kamay at mukha ngunit hindi ito katulad ng mga kamay ng anumang tao o hayop.
Para naman sa pagkakatulad ng mga Muslim at Kristiyano, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/651691
Para makapagbasa pa tungkol sa mga Muslim at Kristiyano, bisitahin ang link:
https://brainly.ph/question/2140627
#LetsStudy
Viz Other Questions
Find The Equation Of The CircleCenter On The Line Y = X! Tangent To The Line Y = 5, And Has Radius 2
Find The Equation Of The CircleCenter On The Line Y = X! Tangent To The Line Y = 5, And Has Radius 2