Ang Buwan ng Wika ay tinatawag sa Ingles bilang Language Month.
Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa buong Agosto kada taon para itaguyod ang at alalahanin ang pagtatag ng ating pambansang wika, ang Filipino. Kadalasang nasasaksihan ang pagdiriwang sa mga paaralan at pampublikong ahensiya.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nabibigyan ang ating mga kababayan, partikular na ang mga bata, ng kamalayan tungkol sa kagandahan ng ating wika, pati na sa kahalagahan nito noon at ngayon, sa modernong panahon.
Narito ang ilan sa mga kaganapan at/o paligsahan na madalas na isinasagawa upang mapasigla ang Buwan ng Wika:
* Katutubong Sayaw
* Balagtasan
* Pagsulat ng Tula at/o Sanaysay
* Pagguhit nang ayon sa Tema
* Pagsuot ng Makasaysayang Kasuotan
* Mga Parada
* Mga Programang Pampaaralan
Pinakanaipagdiriwang ang Buwan ng Wika sa mga paaralan, dahil hindi magagawa ng isang tao na mahalin ang kanyang sariling wika nang hindi siya natuturuan kung paano sa murang edad pa lamang. At hindi rin nakakapagtaka kung sa paaralan natin masasaksihan ang pinakamasisiglang kaganapang inilalaan para sa Buwan ng Wika.
Interesado ka ba sa pagdiriwang ng wikang Filipino bilang isang Pilipino? Kung oo, tingnan ang mga link na ito para sa higit pang impormasyon!
brainly.ph/question/200107
brainly.ph/question/43136
#SPJ6