Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya..
5 na halimbawa po pls


Sagot :

Answer:

Limang (5) Halimbawa ng Maingat na Pagpapasiya

  1. Nag-aral ka ng mabuti sa halip na maglaro ng paboritong mobile games kaya nakapasa ka kinabukasan sa pagsusulit.
  2. May pinagagawa ang iyong boss na alam mo sa sarili mo na ito ay mali at masama ngunit ang kapalit nito kapag hindi mo ginawa ay matatanggal at maalis ka sa iyong trabaho. Kaya ginawa mo ang tama at hindi mo pinagsisihan kahit tuluyan kang tinanggal sa trabaho.
  3. Marami ang tutol sa inyong pagmamahalan at gusto ng iyong mga magulang na hiwalayan mo ang taong mahal mo ngunit hindi mo ginawa sapagkat mahal na mahal mo ito.
  4. Gusto ng mga magulang mo ay ang kurso na hindi mo naman gusto at ang kapalit nito kapag hindi mo sinunod ay hindi ka makakapag-aral at hindi ka makakapagtapos ng kolehiyo.  Pinakita mo sa magulang mo na ito talaga ang gusto mo kaya napilit mo sila at napapayag na rin sa iyong desisyon.
  5. May dumating na mas magandang oportunidad sa'yo na makapagtrabaho sa ibang bansa at tinanggap mo ito kahit ikaw ay single parent at mahihiwalay ka sa iyong anak.

Ang maingat na pagpapasiya o pagdedesisyon ang dahilan kung bakit ang tao ay nakagagawa ng tama at naayon. Ito ay bunga ng mabuting malalim, kritikal at pagkamalikhaing pag-iisip sa mga bagay bagay na nararapat na humantong sa paggawa ng mabuti at tama.  

Mga Kahalagahan ng Maingat na Pagpapasiya

  • Nagiging maayos at mabuti ang mga desisyon sa buhay.
  • Nagkakaroon ng landas ang buhay na tinatahak.
  • Nakagagawa tayo ng mabuti para sa ating sarili at sa ating kapwa.
  • Nakaiiwas sa mga suliranin at mga problema.
  • Nasusunod ang mga pansariling kagustuhan basta naayon sa tama.
  • Nakakamit ang mga minimithi at pangarap sa buhay.
  • Nakararamdam ng saya at galak ng kalooban.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Wasto at Maingat na Pagpapasya

  1. Mangalap ng kaalaman.
  2. Magnilay-nilay sa mga nagawang mga aksyon.
  3. Humingi ng gabay sa Diyos
  4. Tayain ang damdamin sa napiling pasya.
  5. Pag-aralan muli ang pasya.

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na nasa ibaba:

Ibig sabihin ng pagpapasya: brainly.ph/question/1898256

Mabuting Pagpapasiya: brainly.ph/question/1289842

#LearnWithBrainly