Nababalot ang Timog Asya ng mga malalawak na kagubatan, malalaking tipak ng yelo, kapatagan, disyerto, at mga lambak.
Iba’t iba rin ang klima rito tulad ng tag-tuyot, tag-ulan, tag-lamig, at iba pa.
Ang Timog o Katimugang Asya ay naliligiran ng mga kabundukan ng Himalaya, Dagat ng India, at Hindu Kush. Ito ay may sukat na 5.1 milyong kilometro kuwadrado.