Sagot :
Answer:
8 karapatan ng mamimili, ibinahagi ng DTI
1. KARAPATAN SA MGA PANGUNAHING PANGANGAILANGAN
Una ay ang karapatan sa mga pangunahing pangangailangan. May iba’t-ibang sangay ng gobyerno na nakatalaga para mapunan ang mga pangangailangan na ito.
Nariyan ang Department of Agriculture, National Food Authority, Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Department of Education, Government Service and Insurance System at marami pang iba.
2. KARAPATAN SA KALIGTASAN
Karapatan din ng mga mamimili na mabigyan ng katiyakang ligtas ang binibiling produkto. May makikitang mga logo sa mga binebentang produkto na nanganaghulugang dumaan ito sa tamang pagsusuri at masisiguradong ligtas itong gamitin.
3. KARAPATAN SA PATALASTASAN
Pangatlo ay karapatan sa patalastasan o karapatang mapangalagaan ang mamimili laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etika at iba pang hindi wastong gawain. Maaaring ireklamo ang produkto o serbisyo kung hindi nito nasunod ang ipinangako nito.
4. KARAPATANG PUMILI
Sumunod ang karapatag pumili. Malaya ang mga mamimili na pumili o magcanvas muna ng iba’t-ibang produkto o paglilingkod na nais nila upang makita ang pagkakaiba-iba sa kalidad at presyo ng produkto.
5. KARAPATANG DINGGIN
Karapatang dinggin. Ang mga consumer ay kailangang makatiyak sa kanilang kapakanan patungkol sa paggawa at pagpapatupad ng ano mang patakaran ng pamahalaan. Nagkakaroon ng mga public hearing upang dinggin ang mga opinyon at mungkahi ng publiko.
6. KARAPATAN SA KABAYARAN SA KAPINSALAAN
Pang anim, may karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa produkto na binili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o masamang hangarin. Dapat na magkaroon ang isang mamimili ng walang bayad na tulong sa pagtatanggol sa hukuman o nang pag-aayos sa paghahabol.
7. KARAPATAN SA PAGTUTURO TUNGKOL SA MATALINONG MAMIMILI
Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan ng mga consumer upang makagawa ng hakbanging makakatulong sa mga desisyong pangmamimili.
8. KARAPATAN SA ISANG MALINIS NA KAPALIGIRAN
At ang panghuli sa mga karapatan ay ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Explanation: