Sagot :
UNANG PUTOK NG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKA
-Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 114 years ago ngayong araw, February 4, 1899, nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Noon tinawag itong insureksyon ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano. Ngunit kung tatanggapin natin ito, sinasabi natin na nasa ilalim na nga tayo noon ng mga Amerikano. Pinalitan ito ng mga historyador na Pilipino ng “Philippine-American War” sapagkat ang Estados Unidos noon ay nakikipaglaban na sa isang republika, ang republika ng mga Pilipino sa Malolos.
ANG LABANAN NG MAYNILA
-Ang Labanan sa Maynila (Ingles: Battle of Manila) ay isang labanan na bahagi ng Digmaang Pasipiko at Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naganap sa Maynila sa pagitan ng pinagsamang tropang Pilipino at Amerikano at Imperyo ng Hapon. Maraming mga sibilyan ang Pinaslang ng mga Hapon sa kalagitnaan ng labanan. Tinapos ng labanan ang tatlong taong pananatili ng mga Hapon sa Pilipinas (1942–1945).
KASUNDUANG BATES
-Ito ay kasunduan na nilagdaan sa Jolo sa pagitan ng Heneral ng Estados Unidos na si John C. Bates at ang Sultan ng Sulu na si hadyi Mohammed Jamalul Kiram II. Ang nilalaman nito ay, ang pakikipagsundo ng Amerikano sa mga Muslim, ang pagkilala ng mga Muslim sa kapangyarihan ng Amerika sa buong kapuluan, ang paggalang ng Amerika sa relihiyong umiiral, at ang pagbibigay ng bayad sa sultan at mga datu.
LABANAN SA TIRAD PASS
-Ang Labanan ng Tirad Pass (Tirad); (Espanyol: batalla de paso tirad; Tagalog: Laban sa Pasong Tirad; Ilocano: Gubat Ti Paso), kung minsan ay tinutukoy bilang "Philippine Thermopylae", [4] ay isang labanan sa Philippine-American
#CarryOnLearning