Answer:
PAGGAWA NG ISLOGAN
Pamantayan at Mekaniks
1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral ng ONHS sa Grado 8.
2. Ang bawat mag-aaral ay lilikha sa isang oslo paper ng kanyang lahok na Islogan, kaugnay ng tema; “Katutubong Wika: Wika ng Pagtugon at Artikulasyon ng Bayanihan sa Panahon ng Krisis at Pandemya ”.
3. Kukunan ng larawan ang likhang islogan gamit ang anumang camera.
4. I-popost ang larawan sa comment section ng anunsyo na ito.
5. Ang pamantayan sa paghatol ay ang mga sumusunod:
a. Pagkamalikhain………………………… 30%
b. orihinalidad ……………………………… 20%
c. Kaugnayan sa paksa……….……….. 35%
d. Kalinisan at Akit sa madla …………15%
Kabuuan: 100%
6. Ang patimpalak ay tatagal mula Agosto 17 - 24, 2020; Agosto 24 ang takdang araw ng pagpili ng limang magwawagi at ang paggawad ng parangal para sa mga nagwagi ay isasagawa sa pampinid na palatuntunang Virtual sa Agosto 28, 2020.
7. Ang desisyon ng mga tagahatol ay pinal at hindi na mababali pa.
Explanation:
isang halimbawa ng pamatayan ng islogan