ano ang bionote ni lualhati Bautista​

Sagot :

Answer:

Siya ay isa sa mga pinakatanyag na pilipinong nobelista. Bagama’t kulang sa pormal na pagsasanay, kinikilala siya bilang isang matapang at makatotohanang mamahayag ng boses ng mga kababaihan.

Natanggap niya ang mga Palanca Awards para sa nobelang “Gapo”(1980), “Dekada 70”(1983), at “Bata, Bata Paano ka Ginawa?”(1984). Nagkamit din siya ng Palanca Awards para sa maikling kwentong “Talong Kwento ng Buhay ni Juan Candelabra” (Unang karangalang banggit, 1982), at “Buwan, Buwan Hulugan Mo Akong Sundang” (Ikatlong karangalang banggit, 1983). Nagsulat din siya ng pelikula, tulad ng “Sakada” (1976), at “Mahawi Man ang Lupa” (1984) na nominado sa Film Academy. Nilikha rin niya ang pelikulang “Bulaklak ng City Jail Base” na hango sa kanyang nilimbag na nobela at ang humakot sa halos lahat ng mga gantimpala ng Star Awards at Metro Manila Film Festival.

Kabilang siya sa University of the Philippines Creative Writing Center (1986), ginawad bilang bise-presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines, at nagsilbing pinuno ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular.

Siya ay natatanging pilipino na nabibilang sa libro ng International Women Writers na nilimbag sa Japan.

Explanation: