Sagot :
Answer:
Anghel ng Tahanan Ang nanay ang nagsisilbing ilaw ng
tahanan samantalang ang tatay ay haligi ng tahanan at ang mga anak naman ang nagsisilbing mga anghel ng tahanan na nagbibigay liwanag at saya sa pamilya.
Tungkulin ng mga Anak sa Pamilya
1. Ate at kuya
• Katulong ng kanilang mga magulang
sa mga gawaing bahay. Tagapag-alaga sa mga
nakababatang kapatid.
• Ang kuya ay maaring katulong ng tatay sa mga gawaing panlalaki tulad ng: pag-iigib ng tubig, pangangahoy, pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan, pagsisibak ng kahoy, pagiipon ng tubig at marami pang iba.
• Ang ate naman ay maaring katulong ng mga nanay sa iba pang gawain tulad ng: paghuhugas ng pinggan, pamamalantsa, paglalaba ng mga damit, pagluluto, pagwawalis at marami pang iba.
• Ang mga kuya at ate ay maari ring
tagapagligtas sa mga nang-aaway
sa kanilang kapatid. Tagapayo sa mga kapatid kapag may mga problema o pagsubok na pinagdadaanan.
. Katulong ng mga kapatid sa mga takdang-aralin at iba pang gawaing pampaaralan.
2. Bunso
• Ang bunso ay katulong ng kanilang ate, kuya at mga magulang sa mga gawaing pantahanan.
. Mag-aral ng mabuti upang makapagtapos ng pag-aaral at masuklian ang lahat ng hirap ng kanyang mga magulang at para na rin sa kanyang magandang kinabukasan.
. Lumaki ng maayos taglay ang mga kagandahang asal at kaugalian at lalo't higit ang may takot sa Diyos.
• Igalang, irespeto at sundin ang
mga utos ng kanyang mga
nakatatandang kapatid at mga
magulang.
• Pasayahin ang pamilya dahil siya'y nagbibigay kasiyahan sa loob ng tahanan.
. Mahalin ang kanyang mga kapatid at mga magulang.
. Huwag makipag-away sa mga nakatatandang kapatid.
Explanation:
pa bainliest po naman please kailangan ko po ehh sige na