Answer:
Ang lalawigan ng Batanes ay isang kapuluan at ang pinakahilagang lalawigan ng Pilipinas. Kabilang ito sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan. Sa laking 219.01 km2 at kabuuang populasyon na 17,246 noong 2015, ito rin ang pinakamaliit na lalawigan pagdating sa kabuuang laki ng sakop at populasyon. Ang bayan ng Basco, matatagpuan sa isla ng Batan, ay ang kabisera nito.