Halimbawa ng sanaysay Diskriminasyon​

Sagot :

Ang Diskriminasyon (Sanaysay)

Ano nga ba ang diskriminasyon? Ito ay pagkukumpara o panghuhusga ng isang tao sa kapwa niya. Halimbawa nalang ang panghuhusga sa mga may kapansanan, kulay kayumanggi na balat, dahil sa ibang kasarian at marami pang iba. Sa panahon ngayon, hindi na natin napapansin na itong panghuhusga natin sa ibang tao ay nagiging normal na o parang karaniwang gawain na natin ito. Hindi natin alam na nakakasakit na pala tayo n damdamin ng isang tao kaya mas mabuting rumespeto rin tayo sa kanila upang maging pantay ang tingin natin sa isa’t-isa at wala ng away pang mangyari. Narito ang isa sa mga uri ng diskriminasyon.

Hindi ba’t masama ang panghuhusga sa mga may kapansanan? Ikinakahiya nila ang sarili nila dahil sa kanilang panlabas na anyo. Hindi lahat ng tao ay may kumpletong bahagi ng katawan pero kahit ganun pa man ang kanilang panlabas, nagagawa pa rin nila ang mga nagagawa natin. Iba sa kanila ay may talento rin katulad ng pagpinta, pagtugtog ng iba’t-ibang instrumento at iba pa.

Dapat nga ‘bang husgahan tayo ng mga dayuhan dahil lang sa ating kulay kayumangging balat? Kailangan 'bang ipinagkukumpara nila tayo sa mga mapuputi? Hindi nila makita sa mga kayumanggi ang kanilang natural na ganda. Lahat tayo ay pantay-pantay, mapa-iba man ng kulay, lengwahe o ano pa man, tayo ay gawa o likha ng Diyos at pare-parehong hindi perpektong tao.