1.Ang bawat Pilipino na may edad na labingwalo pataas ay may karapatang bumoto ayon sa Ikalimang Artikulo ng 1987 KOnstitusyon ng Pilipinas.
A. Katotohanan
B. Opinyon
2. Sa aking palagay, may mga Pilipino na matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa mga batas ng ating bansa.
A. Katotohanan
B. Opinyon
3.Lahat tayo sa mundo ay nilalang ng Diyos at may sariling talento at kakayahan.
A. Katotohanan
B. Opinyon
4.Mas masayang kasama ang mga kaibigan kaysa sa mga magulang.
A. Katotohanan
B. Opinyon
5.Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, kailangan nating magpabakuna kontra Covid-19 at sumunod sa mga health protocols para makaiwas sa nasabing nakamamatay na sakit.
A. Katotohanan
B. Opinyon
6.Ang bansang Indonesia ay tinaguriang pinakamalaking archipelago sa buong daigdig.
A. Katotohanan
B. Opinyon
7. Ilan sa mga kulturang Espanyol, Hapon, Amerikano ay namana ng mga Pilipino at nasasalamin hanggang ngayon.
A. Katotohanan
B. Opinyon
8.Maraming mga Pilipino ang nais magtrabaho sa Pilipinas dahil ito lang ang tanging paraan para sila ay umahon sa kahirapan.
A. Katotohanan
B. Opinyon
9. Ang programang K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon ay ipinatupad upang hubugin ang mga kabataan na maging mas mahusay sa iba’t ibang larangan at kayang makipagsabayan sa buond mundo.
A. Katotohanan
B. Opinyon
10.Ayon sa Komisyon ng wikang Filipino, mas mapapalawig natin ang pagpapahalaga sa ating wika kung ito ay gagamitin natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
A. Katotohanan
B. Opinyon