Sagot :
Patakaran
Kahulugan
Ang patakaran ay tumutukoy sa mga batas na dapat sundin. Ang kasingkahulugan nito ay alituntunin, ordinansa, at iba pa. Mahalaga ang pagsunod sa mga patakaran para sa pagpapanatili ng kaayusan. Ito ay ipinapatupad sa kumpanya, bansa, barangay at maging sa loob ng ating tahanan. Ang hindi pagsunod ay may kaakibat na parusa.
Layunin ng patakaran na mapanitili ang maayos na takbo o pamamahala sa isang lugar o komunidad. Kung wala nito, tiyak na magiging magulo at mawawalan ng kaayusan ang komunidad.
Mga halimbawa
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng patakaran sa loob ng tahanan
- Magpaalam sa magulang tuwing lalabas ng bahay
- Umuwi bago ang itinalagang oras ng curfew
- Mag aral nang mabuti at huwag unahin ang paglalaro ng mobile games
- Tumulong sa magulang sa lahat ng pagkakataon
- Maging mapagmahal sa mga kapatid
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga patakaran ng sapilitang paggawa noong unang panahon https://brainly.ph/question/1876439
#LearnWithBrainly