Sagot :
Answer:
Kahulugan ng Sanhi at Bunga
Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari samantala ang bunga naman ay ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. Sa malayang likha ng pagtatahi kwento, hindi kailangang laging nauuna ang sanhi sa bunga sa paglalahad ng kwento, maaaring mauna ang bunga sa pagsasalaysay.
Ang manunulat ay nagbibigay ng isa o higit pang sanhi at epekto ng pangyayari. Ang sanhi ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari at ang epekto nito ang tinatawag na resulta o bunga. Sa simpleng salita, may pinagsimulan ang isang pangyayari at dahil dito ay nagkaroon ng kasunod.
Mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
Ang isang salaysay ay gumagamit ng mga salitang pang-ugnay sa sanhi at bunga. Narito ang ilan:
dahil
kung kaya
kasi
sapagkat
kung
kapag
Mga halimbawang pangungusap na nauuna ang sanhi:
Magdamag na umiiyak ang sanggol sa loob ng bahay kaya hindi nakatulog na maayos si Aling Ester.
Nakaligtaan niyang kumain ng almusal kaya nahimatay siya sa kalagitnaan ng kanyang pagsasanay.
Hindi iningatan ni Totoy ang kanyang cellphone kaya nasira ito agad.
Mga halimbawang pangungusap na nauuna ang bunga:
Nahuli si Bryan sa pagpasok dahil tanghali na siyang gumising.
Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa korapsyon.
Lumubog sa baha ang bayan ng Navotas dahil sa kakulangan ng pagpaplano ng mga nasa katungkulan.