Bumuo ng sariling pangulong tudling na nanghihikayat.

Sagot :

“ANG KAPALPAKAN AT PAGKABIGONATIN"

LABAN SA PANDEMIYA Mahigit isang taon na noong naitala ni Pres. Rodrigo Duterte and pagimplementa ng Lockdown sa Pilipinas dahil sa pagdami ng kaso ng Covid-19 noong ika-12 ng Marsong 2020, ngunit matapos umakyat sa humigit

PANGULONG TUDLING ni Christine Arquitola

kumulang na 8000 na kaso ang naitalanoong nakaraang linggo, ang ating gobyerno ay nagtala ulit ng mahihigpit

na "lockdown" at health protocols na kung tawagin nila ay NCR Plus Bubble.

Ano nga ba ang tinatawag nilang NCR Plus? Ano ang pagkakaiba nito sa MECQ at GCQ na ilang beses nang ipinataw sa iba't-ibang lugar, tila ba'y walang nangyayaringmagandang resulta kahit mahigpit na ang kanilang pagroronda at pagbabantay. Kanilang ipinaliwanag na ang bagong "Quarantine" ay mas maluwag kesa sa MECQ ngunit mas mahigpit sa

GCQ, pagkat pinapayagan nito ang paglalabas ngunit may curfew na 10pm to 5am at bawal na ang mga batang

nasa labas edad 17 pababa at bawal na ang pagtatambay sa mga lugar at kainan na indoor, pinapayagan lamang

nilaang al fresco na dapat 50% lang ang magagamit na espasyo,

Ilang buwan na ang lumipas ngunit wala pa ring nagbabago sa estado ng ating bansalaban sa Covid-19. Lahat

ay bumubuti na at nagiging mapayapa hanggang bigla na lamang tumaas ulit ang mga kaso na may kinalaman sa

Covid-19 at ang mga variant nito na maaring dumating dito kaya labis ang pagkalat na naman ng bayrus na ito.

Lahat ay nahihirapan pagkat ito ay bago sa nakakarami sa atin, pero bakit makalipasang isang taon ay parang wala

namang nangyari at hanggang ngayon ay patuloy pa rinang pagdami ng kaso?

Sa aking napansin, ang mga mamamayan ay hindi pa rin nadadala at 'di nila mapigilanna gawin ang kanilang nakasanayan lalo na kung nakikita nila ito sa palabas, telebisyono sa mismong gobyemo natin. Tulad ng sinabi ni Nancy Binay na "Kahit anong curfew o liquor ban ang gawin, if we see people in government freely traveling to beaches and resorts, and organizing public gatherings as if everything is back to normal, talagangmagrerelax din ang mga tao. Kanyang iginiit na dapat na magumpisa ang pagsunod sa tamang health protocols mula sa gobyerno dahil lahat at sumasalalay sa kung anoginagawa at binabalitang ginagawa ng mga gobyerno, tulad ng "mañanita" ni NCRPO Chief Debold Sinas na lantaran ang mga nalabag na batas ayon sa health protocols na ipinataw sa atin. lisipin ng iba na kung sa kanila ay okay ang pagdiriwang na yun ay wala ring masama kung magsasagawa sila ng munting salo-salo ngunit eto ay napakamaling pag-iisip. Nakakahiya na mismong gobyerno natin ang gumagawa ng mali na nakakaapekto sa bilang ng mga nagpopositibo pagkat naitala na may mganagpositibo sa test na isinagawa sa kanila. Hindi lang yun, pera at buwis ng mamamayan ang ginagamit upang ipasahod sila pati narin ang test kit na kanilangginamit na dapat ay mapunta sa mga Pampubliko o Pribadong Ospital pagkat buwis-buhay ang ginagawa ng mga medical workers natin sa araw-araw.

Kaya sa susunod na eleksyon, 'wag na tayo magpapauto sa mga kampaniya at propaganda ng mga korap na ito dahil binibigay natin ang kapangyarihan sa taong hindinaman ito dapat panghawakan. Palaging sundin ang mga health protocols na hatid ng mga nars at doktor sa atin, Palasalamatan ang mga frontliners dahil napapadali nilakahit papano ang ating buhay sa panahon ng pandemiya