Gawain 3: TEKSTO-SURI
Panuto: Batay sa iyong pagbasa at pagsusuri ng mga datos na inilahad sa bahaging
Suriin, sagutan mo ang sumusunod na mga katanungan sa pamamagitan ng 3-5
pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Gagamit ang iyong guro ng
rubrik upang mabigyan ka ng kaukulang marka sa gawaing ito.
1. Ano ang population growth rate? Bakit mahalaga na malaman at masuri ito?
2. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng bata at matandang populasyon?
3. Ano ang life expectancy? Bakit kinakailangang mabatid ang life expectancy
sa isang bansa?
4. Suriin ang dami ng babae at lalaki batay sa talahanayanan blg. 1. Ano ang
mas marami: lalaki o babae?
5. Anong mga bansa sa Asya ang may mataas na literacy rate? Saang rehiyon
sa Asya matatagpuan ang mga bansang ito? Bakit mataas ang literacy rate
sa mga bansang ito?
6. Anong mga bansa ang may pinakamababang literacy rate? Saang rehiyon sa
Asya matatagpuan ang mga bansang ito? Bakit mababa ang literacy rate sa
mga bansang ito?
7. Ano ang implikasyon ng literacy rate sa pag-unlad ng isang bansa?
8. Paano nakakaapekto sa isang lugar /bansa ang pandarayuhan?
9. May kinalaman ba ang populasyon sa kalagayang pangkabuhayan nito?
10. Bakit kailangan ang yamang tao sa bansa. Ipaliwanag?