sons Ano ang masasabi mo sa iyong binasa? Ito ba ay muli mong maiikuwento kapag ganito ang pagkakaayos? Bakit? Ano ang dapat nating gawin upang higit na maunawaan ang kuwento? Kaya mo bang gawin? Tulungan mo ako na pagsunod-sunurin ang mga detalye sa kuwento. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap na nagmula sa kuwento. 1. Tinutulungan niya ang kanyang ate at kuya sa mga gawaing bahay. 2. Nagpapasalamat ang kanyang magulang sa Panginoon sa pagkakaroon ng anak na tulad niya. 3. Ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na bunso ay handang tumulong sa kanyang mga magulang at kapatid. 4. Lagi niyang inaayos ang kanyang mga personal na kagamitan sa paaralan upang maiwasan ang mga kalat. 5. Masaya siya sa kanyang ginagawa sapagkat alam niyang nakatutulong siya sa kanyang pamilya.