Sagot :
Answer:
Pag sesearce
Pag susulat
Pag uulat
Explanation:
Answer:
Ano ang Pananaliksik?
Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Ito ay sistematiko kapag sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula sa
-pagtukoy sa suliranin sa mga umiiral na teorya
-pangangalap ng datos
-pagbuo ng kongklusyon
-pagsasanib ng mga kongklusyon mula sa iba pang pag-aaral na sinasaliksik.
-Ayon naman kina Manuel at Medel (1976), ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa siyentipikong paraan.
MGA SIYENTIPIKONG PANANALIKSIK
-suliranin
-baryabol (variable)
-instrumento
-kongklusyon
-rekomendasyon
NARITO ANG MGA HAKBANG NG PANANALIKSIK NA DAPAT MONG ALAMIN O MALAMAN:
1. Pag-alam o Pagpili ng Paksa
- Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin, siguraduhing ang pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes, may mga materyales na mapagkukunan, at yaong mayroon kang malawak na kaalaman.
2. Paglalahad ng Layunin
- Isa-isahin ang iyongdahilan o layunin kung bakit naisisagawa ang pananaliksik.
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliograpiya
- Ang bibliograpiya ay talaan ng iba't ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang materyal. Maaari ring gamitin ang internet.
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
- Makatutulong ito para sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala.
5. Pangangalap ng mga Tala o Note Taking
- Sa pangangalap ng mga tala, iminumungkahing gumamit ng index card. Hatiin sa tatlo ang mga talang makukuha - lagom, tuwirang-sipi, at hawig.
-Lagom - Isulat ang tala sa sariling salita nang walang kahulugan o impormasyong nawawala.
-Hawig - Malayang ipahayag ang tala sa pagbibigay paliwanag sa sinabi sa orihinal.
-Tuwirang-sipi - Kopyahin ang mga salita sa aklat at ipaloob iyon sa panipi.
6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline
- Sa bahaging ito, planuhin at isiping mabuti ang kabuuan ng pananaliksik na gagawin.
7. Pagsulat ng Burador o Rough Draft
- Tuloy-tuloy na isulat angmga kaisipang dumadaloy sa isip. Huwag munang bigyang-diin sa bahaging ito ang mga maling pangungusap.
8. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Burador
- Sa bahaging ito, bigyang pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas, at wastong gamit ng mga salita.
9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
- Isulat na ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng guro.
Explanation: