____21.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?
A.Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pagiging handa at disiplinado at pagtutulungan sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.
B.Walang magagawa ang mamamayan upang maiwasan ang banta ng sakuna o kalamidad na dulot ng kalikasan.
C.Ang pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran ay dapat ginagawa lamang pagkatapos maganap ang kalamidad o sakuna.
D.Malaki pa rin ang maidudulot na pinsala ng mga hamong pangkapaligiran kahit na ito’y paghandaan.

____22.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapamalas ng pagkakaroon ng disiplina ng mga tao bilang pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran? A.Pag-aabuso sa ating kalikasan at likas na yaman
B Labis na paglinang o paggamit sa ating mga yamang-likas
C.Pagsunod sa mga programa at patakarang nangangalaga sa ating kalikasan
D.Lahat ng nabanggit.

____23.Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A.Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan. C.Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran. D.Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito. ____24.Paano higit na matutugunan ang mga hamong pangkapaligiran? A.Ang lahat ng pagkilos at solusyon ay dapat na iasa lamang sa pamahalaan dahil sila ang may higit na kakayahang tugunan ang mga hamong pangkapaligiran. B.Mahalagang makialam sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. C.Laging isaalang-alang ang kaligtasan ng iyong sarili at pamilya sa panahon ng kahit anong sakuna o kalamidad. D.Makatutulong ang pagiging handa, disiplinado at kooperatibo sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.

____25.Alin sa mga sumusunod ang tamang hakbang na gagawin mo pagkatapos ng risk assessment? A.Ipaalam sa mga mamamayan ang mga dapat gawin bago,habang at pagkatapos ng kalamidad.
B.Itago ang resulta ng assessment para sa oras ng sakuna,may alam ka. C.Magsumbong sa mga opisyales ng barangay upang pag-aralan nila ang dapat gawin bago pa man ang kalamidad D.Makipag-ugnayan sa mga NGOs para makahingi ng tulong.

____26.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng disaster response?
A.Inaayos ang mga nasirang tulay sa inyong barangay
B.Gumagawa ng vulnerability at capacity assessment ang mga opisyales ng barangay
C.Maayos ng nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor sa pagbuo ng DRRM Plan
D.Ipinapaalam sa mga mamamayan ang maaaring maging pinsala sa pagdating ng kalamidad

____27.Paano naisasagawa ang disaster prevention sa pagbuo ng CBDRRM Plan? A.Dapat muna gumawa ng hazard at capacity assessment bago buuin ang plan
B.Sa pamamagitan ng masusing pag-aanunsiyo sa mga mamamayan tungkol sa epekto ng mga kalamidad C.Mahinahon na nakikipag-ugnayan sa mga iba’t ibang sector ng lipunan D.Lahat ng nabanggit

____28.Sa Disaster response, ano ang dapat una mong isaalang-alang?
A.Mga nasirang ari-arian dapat palitan agad
B.Siguraduhin ang kaligtasan ng mga mamamayan at kanilang mga pangangailangan
C.Siguraduhin ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sector ng lipunan D.Siguraduhin ang budget ng gobyerno ay sapat upang tugunan ang lahat ngpinsala dulot ng kalamidad

____29.Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pagbuo ng CBDRRM Plan?
A.Upang mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad Upang maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad
B.Upang magkaroon ng maayos na pagtugon sa mga kalamidad
C.A only
D. Both A & B

____30.Tukuyin ang tamang hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan ayon sa sitwasyon sa ibaba: I.Nagbigay impormasyon si Kapitan sa paparating na bagyo sa kanilang lugar
II.Nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sector kung sakali tamaan sila ng bagyo
III.Gumawa ng hazard at capacity assessment ang DRRM team
IV.Nagpulong ang mga barangay officials para pag-usapan ang rehabilitasyon sa mga maaaring maging pinsala ng paparating na bagyo​