Sagot :
Answer:
Ang mga kategoryang nasa bar graph ay nakabatay sa teorya ng Multiple
Intelligence ni Dr. Howard Gardner. Ayon sa kanya, may iba’t-ibang uri ng talinong taglay
ang tao. Maaaring ang isa ay may taglay na husay sa matematika, ang iba naman ay sa
sining, at may mga tao ring hindi lamang isa ngunit kombinasyon ng iba’t-ibang talino ang
taglay.
Sa puntong ito mahalagang bigyang kahulugan muna natin ang mga terminong
gagamitin sa pagtalakay sa paksa upang higit na maging malinaw sa iyo ang ating aralin.
Una, Kakayahan (ability), talento (talent) kasanayan (skills).
Ang kakayahan (ability) ayon kayThorndike at Barnhart, mga sikolohista, ay
kalakasang intelektwal upang magamit ang talento at kasanayang kailangan. Ang
kakayahan ay mailalarawan sa kung ano ang magagawa ng tao sa kasalukuyan.
Ang kasanayan (skills) ay ang mga natutunang kapasidad upang magawa nang
mahusay ang isang gawain. Ang kasanayan ay kailangang pag-aralan at matututuhan.
Hindi ito kakabit ng tao nang siya ay isilang na tulad ng talento. Kapag natutuhan, ang
kasanayan ay maaaring umabot sa kahusayan sa pagsasagawa ng isang gawain.
Nangagailangan ito ng pagsasanay. Halimbawa, kung nais mong maging mahusay sa
paggawa ng cake at ng iba’t-ibang tinapay, kinakailangan mo ng kasanayan sa baking.
Dapat mong pag-aralan kung ano ang mga rekado, paano gagamitin ang mga
kasangkapan at paano ang pagbe-bake. Ang kahusayan dito ay hindi inborn, sa halip
pag-aaral at pagsasanay ang kailangan upang maging mahusay sa larangang ito. Ito ay
paglalarawan sa kung ano na ang natutuhan ng tao
May mga asignaturang may partikular na tuon sa paglinang ng iyong mga
kasanayan, tulad halimbawa sa Technology and Livelihood Education
Explanation:
Pa brainliest po please