pagawa po ng buod thank you​

Pagawa Po Ng Buod Thank You class=

Sagot :

siomay rice Sinai rice

siomay rice

Answer:

Ang Ibong Adarna na sinasabing isinulat ni José de la Cruz ay nakasentro sa isang ibon na may angking kakayahan na magpagaling ng may sakit sa pamamagitan ng kaniyang awit.

Ipinapakita sa kwentong ito ang mga pagsubok na kayang pagdaanan ng isang tao alang-alang sa pagmamahal, sa pamilya, at sa taong iniibig.

Ang aklat na Ibong Adarna ay mahaba kung babasahin at kailangang paglaanan ng ilang oras para matapos. Upang mas mabilis na maintindihan ang koridong ito, ginawa namin ang pinaikling bersyon ng Ibong Adarna buod ng buong kwento na iyong mababasa sa ibaba.

Explanation:

Maikling Buod ng Ibong Adarna

Nagkaroon ng malalang sakit ang hari ng Berbanya na si Don Fernando dahil sa isang masamang panaginip.

Nakita niya sa kaniyang panaginip na pinaslang ng dalawang buhong ang bunso niyang anak na si Don Pedro at pagkatapos ay inihulog ito sa balon.

 

Ayon sa isang medikong paham, tanging ang awit lamang ng Ibong Adarna ang makakapagpagaling ng karamdaman ng hari.

Inutusan ng hari ang panganay na anak na si Don Pedro na magtungo sa bundok Tabor at hanapin ang puno ng Piedras Platas dahil dito dumadapo ang Ibong Adarna. Nabigo itong mahuli ang Ibong Adarna dahil naging bato ito nang mapatakan ng dumi ng ibon.