Sagot :
Answer:
Sinalubong natin ang pasukan sa kakaiba at bagong paraan na talaga namang sumubok hindi lamang sa ating mga mag-aaral ngunit maging sa mga paaralan, guro, at mga magulang. Dahil sa pandemyang nararanasan natin, napilitan na magkaroon ng" remote learning setup "upang mapagpatuloy pa rin ang pag-aaral sa kabila ng krisis na kinakaharap ng mundo.Ang paggawa at pamimigay ng module, pagdiskarte upang magkaroon ng smartphone o kaya naman laptop para sa online class, at paninibago sa ganitong setup ay ilan lamang sa mga kinaharap ng bawat isa. At matapos nga ang mahigit na ilang Buwan, kumusta na nga ba tayo? Dahil sa malaking pagbabago na ating naranasan na siya ring sumubok sa atin, ang napili kong paksa ay adjustment ng mga mag-aaral sa online class. Noong una ay nag-aalinlangan ako sapagkat isa ako sa mga mag-aaral na nahihirapan sa online class.Bukod sa pag-aalinlangan ay takot. Natatakot ako na baka ako lang ang nahihirapan. Ang uri ng takot na madalas nawawala o gumagaan dahil alam mo na may kasama ka.Ilan lamang ito sa mga katanungang naglalaro sa aking isipan na ninais kong mabatid sa pagpili ng paksang ito. Ngunit sa pagitan ng mga katanungang ito ay ang nagpupumilit na katagang edukasyon. Edukasyon na maaaring makaahon sa atin sa kahirapan. Edukasyon na pinanghahawakan ng karamihan upang maabot ang kaginhawaan sa buhay. Edukasyon na magpapamulat sa isipan ng bawat isa. Isang kataga na nagbibigay pag-asa sa bawat isa ngunit kalakip ng katagang ito ay mga tanong dala ng kahirapan at walang kasiguraduhan na pinalala pa ng pandemya. Isang kataga na nagbubunga ng iba’t-ibang tanong na nagpupumilit na makatamo ng kasagutan.Ngayon ay nais kong mabatid at mapakinggan ang aking kuwento at higit sa lahat maibahagi ito. naipakita sa akin na hindi lamang negatibo ang mga kuwento o karanasan sa online learning gaya ng iniisip ng karamihan. Unti-unting namulat ako sa mga kwento ng pagmamalasakit at munting tagumpay na karapat-dapat nating ipagbunyi. Sa gitna ng krisis na ating kinakaharap ay may mga magagandang kwento tayong maaring maibahagi. Ito ang mga kwento na nagbibigay inspirasyon subalit hindi dito natatapos ang kuwento sapagkat ang inaasam ng bawat isa ay ang kabanata ng pagbabago na makakabuti sa bawat isa.