Answer:
Noong ika-12 ng Hunyo 1898, sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-5 ng hapon, idineklara ni Hen. Aguinaldo sa kanyang bahay sa Cavite el Viejo (Kawit) ang kalayaan ng Pilipinas. Iwinagayway sa bintana ng bahay ni Hen. Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na tinahi ni Marcela Agoncillo sa Hong Kong, at tinugtog ang pambansang martsa na noo’y wala pang mga titik. Binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa mga Pilipinong naroroon sa harap ng bahay ang Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino.
Explanation: