А Blc Pagyamanin Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyong nakalahad. Ibigay ang paksa ng bawat bilang at isaalang-alang ang wastong baybay ng mga salita. 1. Palosebo: Kumuha ng dalawang kawayang magkasinghaba at magkasinglaki. Ibaon ito sa lupa nang patayo. Tiyaking ang mga ito ay magkapareho ang taas, Lagyan ng langis ang dalawang kawayan upang maging madulas. Dala-dalawa ang kalahok sa larong ito. Mag- uunahan sa pag-akyat ang dalawang kalahok na ito. Sinumang maunang makaakyat sa itaas o kaya'y sa tuktok, ang siyang panalo. 2. Ang edukasyon ay isang proseso ng pagkatuto. Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa magandang kinabukasan. Uunlad ang ating bansa kapag ang mamamayan ay mayaman sa kaalaman. Mapapaunlad niya ang sarili upang makatulong sa iba. Ang edukasyon ang tanging makapagpapaunlad ng ating teknolohiya at kabuhayan ng bansa. 3. Malimit na pagmulan ng sakit ang maruming kapaligiran. Ang kanal na pinagbabahayan ng mga lamok ay di-pansin ng mga taga-nayon. Sa ilang mga liblib na pook ay kulang pa rin sa palikuran. Ang pagwawalangbahala ng mga mamamayan sa nayon, bayan, probinsya at maging sa siyudad ay patuloy na magdudulot ng suliranin. Lumingon ka at naroon ang polusyon. Bakit hindi tayo magsama-sama? Hihintayin pa ba nating dumami ang magkakasakit? Kumilos ang lahat at linisin ang kapaligiran!