Isang napakasayang pagdiriwang ang sinulog. Itoy isinagawa sa pamamagitan ng sayaw na sinasaliwan ng sunod-sunod na pagpalo sa tambol. Hindi lamang ang mga manananayaw ang nakapagbibigay sigla sa tradisyong ito. Pati ang manood ay napapasayaw rin sa sigla at ingay na kanilang naririnig. Sa kasulukuyan, isinasagawa ang Sinulog bilang pagsalubong ng mga taga cebu sa mga panauhin man o dayuhan. Marami ring nagsasabi na ito ay bilang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob ng Panginoon sa buong lalawigan ng Cebu. __________________​