6. Nagkasundo kayong magkaibigan na gumawa ng proyekto sa Filipino sa Silid-aklatan May nasalubong kang kaklase at sinabing hindi na matutuloy ang planong gumawa ng proyekto. A. agad uuwi ng bahay B. alamin muna kung bakit hindi matutuloy C. magagalit sa mga kaibigan D. gumawa ng proyekto ng mag-isa 7. Nawawala ang iyong wallet. May natanggap kang txt mula sa is among kaklase na nagsasabi kung sino ang kumuha ng nawawala mong wallet. A. agad sugurin ang kumuha iyong wallet B. ipaalam kaagad sa guro kung sino ang kumuha ng wallet mo C. alamin ang tunay na pangyayari at katibayan ng kanyang sinasabi D. tatawag sa iba pang kaklase at ipaalam ang salarin sa nawawalang wallet 8. Sinabihan ka ng iyong kaklase na walang pasok bukas dahil malakas ang ulan. A. maniwala sa kanya at hindi papasaok kinabukasan B. sasabihin sa ina na walang pasok bukas sahil sinabi ng iyong kaklase C, tawagan ang guro kung totoo ang impormasyong iyong narinig D. ipaalam sa iba pang kaklase na walang pasok bukas 9. May nabasa kang isang pag-aaral na nakakasama ang paglalaro ng Mobile Legend. Nakita mong palaging nakatutok ang kapatid mong lalaki sa paglalaro nito. A. isumbong sa mga magulang B. hayaang maglaro ang kapatid C. pagalitan ang nakababatang kapatid D. Kausapin ang kapatid at ipaliwanag ang masamang epekto nag paglalaro nito 10. Niyaya ka ng mga kaibigan mo na maglaro ng paborito mong mobile game ngunit walang taong magbabantay ng tindahan ninyo. A. isara ang tindahan at maglaro kasama ang kaibigan B. hayaang bukas ang tindahanat maglaro kasama ang mga kaibigan. C. tumanggi sa mga kaibigan at sabihing sa susunod na lang D. huwag pansinin ang mga kaibigan II. Isulat ang TAMA kung ang pangyayari o sitwasyon ay nagsasaas ng tamang hakbang sa pagpasya at MALI kung hindi. 11. Napabalitang may bagyo na darating at magkakaroon ng brownout. Tutulong ako sa paghahanda ng mga kakailanganin katulad ng flashlight, pagkain at tubig. 12. Napansin mo na ang iyong kaibigan nangungopya ng sagot sa katabi mo ngunit ikaw ay nagbubulag-bulagan lamang. 13. Isa ka sa kasapi ng SPG ng inyong paaralan at napagpasyahan ng nakararami na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan. Isa ka sa napili na maging lider. Labag sa loob mong tinanggap ang iyong pagka lider. 14. Narinig ko ang kaklase na wlang pasok, kaya umuwi na lang ako sa bahay at naglaro. 15. May nabasa kang isang private message mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng masama laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam kung totoo o hindi. III. Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa pagbuo ng desisyon? Sumulat ng mga tamang hakbang na makakatulong sa pagbuo ng isng desisyon na makakabuti sa sarili.