ano kahulugan ng pagkasiphayo

Sagot :

Pagkasiphayo

Sa salitang ingles ito ay frustration, defeat at disappointment.

Ito ay isang salita na hindi common na ginagamit sa araw araw na buhay. Narito ang ilan pang kahulugan sa tagalog ng pagkasiphayo:

  1. Pagkatalo
  2. Pagkabigo sa layunin
  3. Pang aalipusta
  4. Pang aapi
  5. Sobrang paghihirap
  6. Pagkagumo
  7. Kabiguan

Kadalasan ang pakiramdam na ito ay naguugat sa mga indibidwal na natatalo sa isang patimpalak o sinasalihan paligsahan. Maaari rin itong gamitin sa halimbawa kung ang pangungusap ay naglalaman ng tungkol sa pagkawalan ng pagasa o sobrang paghihirap. Marami rin tayong pang araw araw na karanasan na nagbibigay kahulugan sa pagkasiphayo.  

Halimbawa ng salitang pagkasiphayo sa pangungusap:

  • Nagsimula ng maliit na tindahan si Rey sa kanilang probinsya, ngunit hindi ito tinangkilik ng mga mamamayan doon. Pagkatapos ng matinding preparasyon, nakaramdam si Rey ng pagkasiphayo at sinarado na lamang ang kaniyang tindahan.

  • Nang lumaon, sumobra na sa oras ng dapat uuwi si Roberto, unti-unti na siyang nawalan ng pagasa at nakaramdam na siya ng pagkasiphayo. Siya ay umuwi ng luhaan at puno ng pagsisisi.

  • Si Elena ay umuwi ng hating gabi, nagsumbong siya sa kanyang nanay na nakaramdam na siya ng pagkasiphayo dahil walang masakyan at napaka trapik sa daan na patungo sa kanilang bahay.

Narito ang ilang links na sumasagot rin sa kahulugan ng Pagkasiphayo:

  1. https://brainly.ph/question/423523
  2. https://brainly.ph/question/432194
  3. https://brainly.ph/question/231134