Sagot :
Answer:
2. Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga kung saan nakapaloob dito ang Hazard Assehazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad. Isinasagawa ang Disaster Risk Assessmentssment, Vulnerability Assessment, at Risk Assessment. Tinataya naman ang kakayahan at kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment. Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng Prevention and Mitigation? Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad. Prevention and Mitigation
3. Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at Temporal na katangian nito. Hazard Assessment
4. Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal na katangian ng hazard sa kanilang lugar upang maging malinaw ang mabubuong hazard assessment. Bukod dito, ang impormasyon na maibibigay sa pagtukoy sa mga pisikal na katangian ng hazard ay magdudulot ng higit na ligtas na pamayanan.
5. Matapos maunawaan ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard na maaaring maranasan sa isang komunidad, maaari nang isagawa ang dalawang mahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment: ang Hazard Mapping at Historical Profiling/Timeline of Events. Ang Hazard Mapping ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman, kabahayan na maaaring mapinsala. Sa Historical Profiling/Timeline of Events naman, gumagawa ng historical profile o timeline of events upang makita kung ano-ano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala.