bakit itinatag ni efren penaflorida ang Dynamic teen company nung siya ay hayskul palang?​

Sagot :

Taong 1997, nang siya ay nasa hayskul, sinimulan niya ang Dynamic Teen Company na naglalayong maibaling ng mga bata sa slum areas ang kanilang atensyon sa pag-aaral, at pagpapaunlad ng sarili nilang kakayahan upang makatulong sa komunidad. Ipinakita niya na may solusyon sa kahirapan at hindi nila kailangang tahakin ang landas na puno ng kaguluhan at kapahamakan kundi piliin nila ang daan na may pag-asa at magandang kinabukasan. Kaya naman, tuwing sabado, siya at ang mga kasama niya ay pumupunta sa iba’t ibang mga lugar sa kanilang lungsod na tulak-tulak ang kanilang paaralang kariton na may mga libro, laruan at gamit pang-eskuwela. Tinuturuan nila silang magbasa, magsulat at alagaan ang kanilang sarili. Isa itong simple pero napakahalagang gawain ni Efren at ng mga kasama niya at ng mga batang nais matuto, humanap ng pag-asa at makatulong rin sa iba.

#BrainlyEveryDay