Answer:
Ang sistemang pang-ekonomiya ng isang lipunan ang magiging batayan ng kayamanan at kakayahan nito para sustentuhan ang kanyang nasasakupan. Hindi lang yan, kundi napabubuti rin nito ang relasyon at ugnayan kapwa ng mga negosyante at kanilang mga kliente, at maging ang ugnayan nito sa iba pang karatig na bansa. Ang bansang mayroong sistemang pang-ekonomiya ay nakabubuo rin ng mga plano, mga contingency plan, o mga alternatibong mga pamamaraan pa nga sakaling mayroong mga hindi inaasahang pangyayari na dumating sa bansa tulad ng mga malalakas na kalamidad, mga digmaan at iba pa.
Nagiging organisado at sistematiko rin ang mga plano pati na ang takbo ng pamamalakad sa pananalapi ng lipunan kung mayroon itong sistemang pang-ekonomiya. Naiiwasan ang pagkakabaon sa utang, mga pandaraya, at pang-aabuso sa kaban ng yaman. Kung mayroong sistemang pang-ekonomiya, maligaya ng lahat, at mapupunta sa tama ang pera ng bayan.