1. Bakit kailangang pangalagaan ang yamang lupa?
a. Hindi tayo makukulong at magmumulta.
b. Nakakapagtanim tayo ng iba’t ibang produkto tulad ng palay, mais at
gulay.
c. Maiiwasan ang kalamidad na nakakapinsala ng buhay ng tao, hayop at
mga ari-arian.
d. Dito tayo kumukuha ng ikinabubuhay tulad ng mineral, pagkain,
halaman, punong kahoy at iba pang hilaw na materyales.
2. Bakit mahalagang pagyamanin ang yamang likas ng ating rehiyon?
a. Makilala tayo sa buong mundo.
b. Pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa.
c. Sandigan ng pamumuhay ng mamamayan.
d. Maitataguyod ng isang bansa ang kabuhayan ng mamamayan.
3. Paano nakatutulong ang yamang mineral sa ekonomiya ng isang bansa?
a. Pinapaunlad ang turismo.
b. Nagkakaloob ng trabaho sa mga mamamayan.
c. Nagkakaroon ng maraming ginto at pilak ang isang bansa.
d. Nagiging sangkap sa paggawa ng mga gusali, sasakyan, tulay at iba pa.
4. Isa sa mga pangunahing suliraning pangkapaligiran ay polusyon sa mga
anyong tubig dulot ng pagtatapon ng mga basura at kemikal. Alin sa mga ito
ang pinakamainam na paraan upang mapigilan?
a. Ipagbawal ang pamamasyal sa tabing dagat.
b. Palagiang paglilinis ng dumi sa mga ilog at dagat.
c. Bumuo ng organisasyon na may layuning pangalagaan ang ating mga ilog
at karagatan.
d. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas sa pagprotekta at preserbasyon
ng mga yamang tubig.
5. Bakit mahalaga ang yamang gubat?
a. Mapaunlad ang turismo.
b. Mapipigilan ang pagbaha.
c. Tirahan ng mga mababangis na hayop.
d. Pinagkukunan ng mga hilaw na produkto.