Sagot :
Answer:
According to Quizlet:
Explanation:
Ang dignidad ay basehan kung bakit tungkulin ng bawat tao ang mga sumusunod; Dapat igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. Hindi mo dapat samantalahin ang kahirapan ng tao na nagpapababa ng sariling pagkatao upang umasenso o umunlad sa buhay.
Hope it helps
Answer:
“karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, anoman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan,ay may dignidad. May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung ihahalintulad sa ibang nilikha. Sapagkat mayroon siyang isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni at pumili nang malaya. May likas na kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili gamit ito. Hindi man agad nagagamit ng ilan ang kakayahang ito katulad ng mga bata, ang pagiging bukod-tanging tao ang mabigat na dahilan ng kaniyang dignidad. Kung kaya wala itong pinipili, hindi ito para lamang sa iilan.
( As short answer )
Ang tao ay may isip, may kakayahan, at may puso na nag-uukol ng pagmamahal. Ang Pagmamahal at paggalang sa karapatan ng iyong kapwa pagpapahalaga sa buhay, katotohanan at kapayapaan ay nagpapakilala at nagpapahalaga dignidad ng isang tao.