1. Ang antas na ito ay ang unti-unting pagkamulat dahil sa mga mabuting prinsipyong kanyang nalaman, narinig at nakita sa iba't ibang uri ng tao.
A. Unang Antas o Ang Antas ng Likas na Pakiramdam o Reaksyon
B. Ikalawang Antas o Ang Antas ng Superego
C. Ikatlong Antas o Ang Antas ng Konsensyang Moral
D. Wala sa nabanggit
2.Sa antas na ito, malaki ang bahaging ginagampanan ng may awtoridad sa pagpapasya. Itinituro sa bata kung ano ang ipinagbabawal sa lipunan.
A. Unang Antas o Ang Antas ng Likas na Pakiramdam o Reaksyon
B. Ikalawang Antas o Ang Antas ng Superego
C. Ikatlong Antas o Ang Antas ng Konsensyang Moral
D. Wala sa nabanggit
3. Ito ay isinasagawa sa mental na paraan na nagbubunga ng isang galaw o aksiyon o kaya isang napiling opinyon.
A. Kilos-loob
B. Kaalaman
C. Pagpapasya
D. Konsensya
4. Alin sa mga sumusunod ang di kabilang sa salik ng pagpapasya?
A. Impormasyon
B. Pagkakataon
C. Pagpili
D. Sitwasyon