А BC Pagyamanin Panuto: Pagsunod-sunurin ang sumusunod na paraan nang paglalaro ng Kickball gamit ang bilang na 1-5. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Magmamanuhan ang lider ng bawat grupo upang malaman kung sino ang magiging taya. Ang grupo ng taya ay iaayos ang mga kasapi. 2. Pagkasipa sa bola, ang manlalarong sumipa ay tatakbo patungo sa una, ikalawa at ikatlong base hanggang sa home base. 3. Ang sumipang na-out ay hahalinhinan ng isang kagrupo sa pagsipa ng bola. Tatlong out na tagasipa ang kailangan para mapalitan ang taya. Ang grupong may mas maraming puntos o home run ang siyang panalo. 4. Bumuo ng dalawang grupo na may tig siyam na kasapi. 5. Kumuha ng isang bola para sa pitser. Pagulungin ito ng pitser patungo sa tagasipa ng kabilang grupo na sisikaping mapalayo ang bola.​