Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik

ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.


1. Alin sa sumusunod na konsepto ang nagpapakita ng interaksiyon ng tao sa

kanyang kapaligiran para umunlad ang kanyang kabuhayan?

A. Ang pagkontrol sa paglaki ng populasyon para maiwasan ang kakapusan at

kakulangan sa mga pangangailangan.

B. Ang pagpapalawak ng urbanisasyon, pagpapatayo at pagpapa-unlad ng

ilang industriya sa pamamagitan ng reclamation.

C. Ang paggamit ng programang sustainable development o gawaing

pangkabuhayan na kung saan ay hindi isinasakripisyo at inaalagaan ang

ating inang kalikasan.

D. Ang patuloy na paggamit natin sa likas na yaman para sa pagpapabuti at

pagpapa-unlad ng kabuhayan sa pamamagitan ng paggamit ng mga

modernong makinarya at ang kapakinabangan nito.


2. Isa sa mga isyung pangkapaligiran ang kinakaharap ng mga Asyano ay ang

pagkakalbo ng kabundukan dulot ng pagsusunog o kaingin, bakit

kinakailangan nilang gawin ang pagsusunog sa ilang bahagi ng bundok?

A. Para mag tayo ng mga bagong bahay.

B. Paghahanda para sa darating na kalamidad.

C. Para magamit ang lupa sa gawaing agrikultural.

D. Para mawala ang mga insektong magdudulot ng problema sa mga

magsasaka.


3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang pinaka-akma na konsepto na pwede

mong mabuo tungkol sa kahalagahan ng ecological balance?

A. Ang kinabukasan ng mga tao ay nakasalalay sa kapaligiran.

B. Sa loob ng bahay nagsisimula ang pagtuturo at pagpapalaganap sa wastong

paggamit ng likas na yaman.

C. Anuman ang maging estado at kalagayang ekolohikal ay may tiyak itong

epekto sa ating pangkalahatang kalidad na kapaligiran.

D. Ang pagkakaroon ng wastong laki ng populasyon ay nagreresulta sa

mababang antas ng suliraning pangkapaligiran at ekolohikal.